Linggo, Setyembre 27, 2015

WIKA: DALUYAN NG PAGKATUTO



WIKA: Daluyan ng pagkatuto


Vania Casey D. Villanueva
LyndseyJhane H. Areta
Lester Aerol C. Rosales

d1a



                                  I.            PANIMULA

Ang wika ay isang daluyan ng pagkakaunawan ng bawat isa.Sa pamamagitan ng wika magkakaroon ng ibat ibang kaalaman sa mga bagay-bagay at ang pagkakapwa tao. Ang wika ay isang tulay para makatulong sa mga estudyante na makipagugnayan sa mga kaklase at guro nila.  Ito din ang makakatulong upang maintindihan ng mga estudyante ang mga guro, at ng dahil sa wika naipapahayag ng mga guro nang madali at maayos ang mga damdamin at kaisipan dahil sa wikang likas sa dila ng bawat isa. Ito din ay pinakamahalaga sa mga guro dahil hindi matututo ang isang estudyante kung hindi nila isinasa bibig o isinasa kilos ang wika gusto nila ipahiwatig.

Ang wika ay isang instrumento na pwedeng gamitin sa pagtuturo ngunit ito ay instrumento din para madami tayong matutunan at isa sa pwede natin matutunan sa wika ay ang pakikipagkomunikasyon. Sa mga paaralan, ang wika ay magagamit ng guro o estudyante para ipahayag ang kanilang nalalaman. Ang wika ay isang tulay o daluyan ng impormasyon upang matuto ang mga tao o estudyante dahil sa pagdaloy ng mga salita naiintidihan natin kung ano ang sinasabi ng isang tao. Ito ay isang halimbawa sa paaralan sa pagtuturo ng guro nasasagap ng estudyante ang impormasyon na dapat nilamalaman. Sa mga salitang binibitawan ng guro dumadaloy ang impormasyon na dapat malaman ng kanyang mga estudyante. 


II.         MUKHAING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

Ang aming titulo naisip namin ay Wika: Daluyan ng Pagkatuto; Ito ang aming gusto ipang titulo sa aming adbokasiya sapagkat alam naman natin na ang wika ay isang pangkalawakang komunikasyon sa bawat isa lalo na sa pang edukasyon. Masasabi rin namin na sa pamamagitan ng aming titulo magkakaroon ng katangungan sa isipan ng bawat tao na kung gaano ba kahalaga ang wika sa pang araw-araw natin buhay lalo na sa mga estudyante. Gusto naming ipahiwatig gamit ang aming titulo na ang wika ang isa sa mga pinaka makakatulong satin upang tayo matuto at makaintindi ng mga tinuturo ng ating mga guro.  Wika rin ay isang kasangkapan sa pagbuo ng mga ideya sa ating mgaisipan na maaring makatulong sa  atin sa pagkatuto sa ating mga aralin sa eskwelahan. Gusto din naming iparating na kung hindi dahil sa wika, hindi tayo matututo ng mga simpleng letra o mga salita kung hindi ito isisinasalaysalay o isinasakilos ng ating mga guro.

Nais naming ipaalam sa mgatao kung ano ang kahalagahan ng wika sa paaralan at sa pag katuto natin. Kung ano ba talaga ang role ng wika sa pagkatuto sa mag-aaral at kung bakit wika talaga ang siyang dahilan ng lahat ng ito. Gusto rin naming ipahiwatig nasa anong paraang makakatulong ang wika upang tayo ay matuto. Para malaman din natin na kung ano nga rin ba ang kayang gawin ng wika para tayo ay matuto.


III.      RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN

Ang Rasyunal ng aming adbokasiya ay may kadahilanan na upang ang paksang wika sa edukasyon ay aming napili dahil maraming itong ibat ibang paraan para matuto ang mga tao. Ang wika isangdaluyanupangangmgaguro at mag-aaral ay magkaintindihan. Ang wika ay katangi-tanging gamit ng tao sakanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang wika ng pagkatuto ay ang wikang ginagamit ng mag-aaral sa kaniyang pakikipagtalastasan sa loob ng akademiya o paaralan, samgaguro at kaklase, sakaniyang pagbabasa. Ang wika ang magsisilbing sentro sa edukasyon dahil dito pumapaloob ang lahat.

Mithiin ng aming adbokasiya sa pamamagitan ng mga hakbangin ng daluyan ng pagkatuto magiging mabilis at epektibo ang pagkatuto sa wika ng isang mag-aaral. Higit na magiging malikhain sa interdisplinari ang mga guro sa kanilang mga estratehiya sa pagtuturo. Pati narin na mahahamon ang mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang magsikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina, sa mga gagamiting kagamitang panturo at multi-media sources.


Ang aming adbokasiya ay may importante Layunin, at ito ay ang: Nalalaman ang iba’t ibang katangian sa pagkatuto sa makabagong paraan ng pagtuturo ng wika. Matatalakay ang mga paraan at pagdulog sa pagtuturo ng wika. Mapalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng wika. Mabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo. Mahalaga ang mga pamamaraan na dapat gamitin sa pagtuturo, dahil dito malalaman kung nakamtan mo ba o naparating ang mga ideya at kaalaman sa wika.



IV.       DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA



                   Nang dahil sa wika, makakamit natin ang tagumpay dahil hindi natin maiintindihan ang mga leksyon o aralin kung walang wika sa ating buhay. Nang dahil din sa wika, giginhawa ang ating ang buhay at pwede natin magamit ito sa iba pa. Katulad na lamang pag ika'y magatatrbaho na, ang pakikipagkomunikasyon ay pwedeng maging kaagapay sa tarbaho dahil mantatangkilik ka ng mga tao. Mahalaga ang wika sa pag-aaral dahil ang wika ay pwede ring pang-tenga at pang-mata.


30 Examples:
1.    Pagtuturo ng pagsasalita.
2.    Pagtuturo ng tamang structura ng pagsasalita.
3.    Pagtuturo ng sariling wika.
4.    Pagtuturo gamit ang materyal na bagay.
5.    Pagtuturo gamit ang teknolohiya
6.    Pagkakatuto sa pakikipagkomunikasyon
7.    Pagkatuto sa pakikinig
8.    Pakikipagkomunikasyon sa ibat ibang uri ng tao
9.    Pagkatuto na ipahayag ang saloobin
10. Pagkatuto umintindi ng emotion
11. Paggamit ng powerpoint
12. Patuturo ng pasusulat sa sariling wika
13. Pagtuturo ng pagsasalin ng ating wika
14. Pagsusuri ng mga mensahe
15. Pagtuturo ng paggamit ng wika
16. Pagsusuri ng sariling wika
17. Pasususlat ng dula
18. Pagtuturo ng pagsulat ng isang tula
19. Pagtuturo ng proseso ng pagsulat
20. Pagtuturo ng pagbigkas ng wika
21. Pagtuturo ng abakada
22. Pagtatanong sa mga guro ng leksyon
23. Paguusap ng mga estudyante tungkol sa leksyon nila
24. Pagbabasa ng libro
25. Pagsasaulo ng mga tula
26. Balagtasan
27. Pakikipagusap sa mas matanda
28. Paghingi ng payo pag may problema
29. Pagunawa sa mga tinuturo ng guro
30. Pagsagot sa mga tinuturo ng guro


V.          BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

Makakatulong ang wika sa pagkatuto ng mga bata dahil nadadadagan ang kanilang kaalaman sa pakikipagkapwa tao o pakikisilamuha sa kapwa. Ang mga magbebenipisyo sa aming ipinaglalaban na isyu ay ang estudyante at ang mga guro, dahil maaaring malaman ng mga guro kung ano ang mas epektibo na instrumento na pwedeng gamitin sa pagtuturo. Ang mga estudyante naman ay mag bebenipisyo dahil mapapadali ang kanilang pagkatuto sa mga aralin. Dapat malaman ng guro na sila ang instrumento sa bawat natutunan ng mga kanilang estudyante dahil sila ang nagtuturo kung ano dapat nilamalaman. Lalo na ang mga guro na sila din ay kasama sa tagumpay ng estudyante dahil sila ang nagturo ng mga kaalaman sa paraan mauunawaan nila ng maayos.

Sa inaasahang resulta, nais namin na ang aming adbokasiya ay maging matagumpay at makatulong sa iba pang estudyante gagawa nito. Sana maging epektibo rin ang aming adbokasiya na ang wika talaga ay isang daluyan sa pagkatuto. Inaasahan namin na napatunayan talaga namin ang aming adbokasiya na ang wika talaga ay mahalaga sa pag katuto. Pwede rin ito magamit ng mga guro sa kanilang ituturo sa mga estudyante.